peperonity.net
Welcome, guest. You are not logged in.
Log in or join for free!
 
Stay logged in
Forgot login details?

Login
Stay logged in

For free!
Get started!

Text page


heavensdream.peperonity.net

aLAy kay iNay

ang dalamhati raw ay panandalian
wagas lang na pag-ibig ang walang hangganan
may lumbay at hapis sa iyong paglisan
gayong lahat tayo iyan ang hantungan.

sa nagdaang taon paunang dasalin
patungkol sa iyo o ina kong giliw
karamdaman sana ay pawiin
ang iyong buhay pa nawa ay palawigin.

ngaun ay naiba usal na dalangin
iyong kaluluwa na ang tanging habilin
sa poong lumikha diyos na mahabagin
sa kabilang buhay ikaw ay lingapin.

labinlimang taon ang iyong tiniis
araw araw ang turok sa dugong matamis
lumabo ang tingin at na-dialysis
mga kumplikasyon sa'yo gumiyagis.

di ko lilimutin ang iyong ala-ala
mabuting aral mo baon ko tuwina
wala ka man ngayon di ka man kasama
darating din ako kung san ka nagpunta.

pano na ang ating muling pagkikita
gaya ba ng dating mayayakap kita
ikaw pa rin kaya magigi kong INA
kahit saang buhay mahal pa rin kita!
(by:SAA for mom NENITA)


This page:




Help/FAQ | Terms | Imprint
Home People Pictures Videos Sites Blogs Chat
Top
.