peperonity.net
Welcome, guest. You are not logged in.
Log in or join for free!
 
Stay logged in
Forgot login details?

Login
Stay logged in

For free!
Get started!

Text page


sekstorya.peperonity.net

ANG PAGKAKASUNDO

ANG PAGKAKASUNDO
by: Nivlem Jeamashier

PAUNAWA: Kathang isip lamang. Sadya lamang ginawa upang maging libangan. Naglalaman ng mga bulgar na pananalita at may temang kataksilan. Kung sino man ang hindi pabor ay pinapayuhang huwag ng ipagpatuloy ang pagbabasa. Salamat po. Mabuhay tayong lahat!

It's nice to be back! Naibulalas ko sa unang hakbang ko papasok sa gate ng aming bakuran. Masaya akong sinalubong ng aming mga katulong na si Aling Mameng at Nanay Maring. Dama ko ang labis na kasiyahan ng aming mga kasambahay ng muli akong makita, ako nama'y ganon din, ahhh makalipas ang halos limang taon na hindi pag tungtong sa lugar na aking kinalakihan, heto na naman ako at nagbabalik.

Halos wala pa ring pinagbabago ang aming bakuran, magaganda pa rin ang mga rosas sa hardin, mayayabong pa rin ang mga puno, maaliwalas at malinis pa rin ang kapaligiran. Napakasarap talagang manirahan sa isang ekslusibong subdivision dito sa Metro Manila! That's right, mayron kaming bahay dito sa isang sikat na subdivision sa Makati.

Ako ng pala si Trixie, 26 yrs.old, me asawa at isang anak. Five years ago tandang tanda ko pa ang lahat:

"No! I don't like him! I hate him!" galit kong sigaw sa aking ina

"But Trixie darling, I thought it's the right time for me to be happy!" malumanay namang sagot ng aking ina na nuoy tila nagsusumamo sa akin.

"Are you not happy with me anymore hah Ma?! Hindi ka na ba kuntento pag ako ang kasama mo? Bakit kelangan pang maghanap ka ng ibang makakasama? Masaya naman tayong dalwa diba? Hu, hu, hu!" At tuluyan na akong naiyak sa pagtutol sa gustong mangyari ng aking ina

"Of course I'm so happy with you darling! but please try to understand me iha. Mahal kita pero kelangan ko rin ng ibang pagmamahal, pagmamahal na hindi mo kayang ibigay iha, pagmamahal ng isang lalaki sa isang babaeng katulad ko" tila naiiyak na ring tugon ng aking ina

"Basta ayoko! Ayoko! Ayoko! I hate both of you!" pasigaw kung sabi sabay takbo paitaas sa aking kwarto.

"Blaggg!!!" halos magiba ang pinto na kwarto ng aking isarado

"Trixie! Trixie! Trixie!" pahabol sigaw naman ng aking ina na tuluyan ng tumulo ang luha dahil sa nabigong pagkukumbinsi sa akin.

Wala na ngang nagawa ang aking ina kundi ang umiyak at yumakap sa kanyang nobyong si Julio!

Yap, si Julio ang nobyo ng aking ina. Ipinapaliwanag kasi nila ang planong pagpapakasal at hinihingi ang aking pagsang-ayon. Pero ayaw kong magpakasal ang aking ina kay Julio! Oo nga tama si Mama panahon na nga para naman siya lumigaya, matagal na kasing patay si Papa, nasawi siya sa isang car accident nong ako'y First year high school palang at ngayon naman ako'y nakatapos na ng college at may sarili ng trabaho.

Sa loob kasi ng mahabang panahon na pagkawala ng aking ama, ni minsan hindi nagkulang si Mama sa pag-aalaga at paggabay sa akin. Ibinigay nya ang lahat sa akin, lahat ng sakripisyo at panahon ay ibinuhos sa akin ng aking ina. Matagal na panahon din yon hangga sa dumating ang panahong ito, panahong meron na akong makakahati sa pagmamahal at pagkalinga ng aking ina!

Oo naninibugho ako dahil meron ng ibang pagtutuunan ng pansin ang aking ina. Pero kung yun lang ang dahilan, parang kaya kung tanggapin, ang hindi ko lang matanggap ay si Julio mismo!

Si Julio kasi ay 30 yrs. old palang, eh ang Mama ko 46 yrs. old na! Imagine pwede na silang maging mag-ina! Tapos ewan ko ba kung saan nanggaling yang si Julio, baka gusgusing pakalat kalat lang sa lansangan na nadampot ng aking ina habang nagmamaneho sya ng magara nyang sasakyan! O kaya'y isang pulubi na naligaw lang at nakalusot sa maghigpit na pagbabantay ng mga guard ng aming subdivision tapos nang habulin eh nakitang bukas ang gate namin at doon naisipang magtago. Ito namang magaling at mabait kung ina eh pinangtanggol si Julio at nagmagandang loob pa na kupkupin ang patay gutom na si Julio! Ah ewan ko ba kung saan siya nagmula! Basta iisa lang ang alam ko KAKAMKAMIN ni Julio ang buong kayamanan ng aming pamilya!!!

Sa ayaw ko man at sa gusto, natuloy ang pagpapakasal ng aking ina kay Julio. Bagamat hindi sa simbahan ay nakaraos din ang civil wedding together with thier close friends and relatives. Ako asan? Andon sa kwarto ko at nagmumukmok! Ubos na ang luha ko at paos na sa kakaiyak pero hindi ko parin sila napigilan.

"O nakasimangot ka na naman?" bati ni Herbert sa akin habang ako'y nakatitig sa monitor ng aking PC sa isang kompanyang pinagtratrabahuhan ko sa Ayala.

"Wala nahirapan lang ako dito sa ginagawa ko" pa ismid kong tugon

"Stress lang yan, tara merienda tayo sagot ko!" paanyaya ni Herbert habang ubod tamis na nakangiti sa akin

Saglit kong sinulyapan ang aking relo 2:59 pm

"Sige na nga" tugon ko sabay tayo sa aking kinauupuan

"Yes! Let's go!" halos umabot na sa taenga ang pagkakangiti ni Herbert ng makuha ang aking pagsang-ayon. Bakit nga ba hindi eh alam kong patay na patay sya sa akin.

Habang kumakain, hindi maubusan ng kwento itong si Herbert, magaling siyang magpatawa at mag jokes (pero hindi naman green jokes). Naramdaman ko nalang na parang gumaaan ng aking pakiramdam sa ka kengkoyang ginagawa ni Herbert (siguro para makuha lang ang atensyon ko). Ilang sandali pa at namalayan ko na lang na humahagalpak na rin ako ng tawa.

Nag-enjoy ako sa halos labinlimang minutong nakasama ko si Herbert. Iisa ang kompanya namin ni Herbert sa ibang department nga lang siya. Matagal na siyang nanliligaw sa akin pero sadya yatang wla pa ako sa mood mag boyfriend. Nuong high school at college kasi puro crush lang ang nagawa ko. Ayoko ngang mag boyfriend baka iwanan ako ng Mama ko!

Pero ngayon naiba na ang lahat, pakiramdam ko itinatwa na ako ng Mama ko, ipinagpalit na nya ako kay Julio! Tila nagrerebelde pa rin ang aking damdamin bagamat halos isang buwan ng kasal ang dalawa. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat, lalo na ng tuluyan nang dito tumira si Julio sa bahay namin. Hindi halos ako lumalabas ng kwarto ko sa tuwing uuwi ako sa bahay, ayaw ko ngang makita yang antipatikong si Julio! Kung maaari nga lang mag-iba na ko ng tirahan!

Matama akong nag-isip habang nakahiga ako sa aking kama. Dapat nga siguro mag-iba na rin ako ng tutuluyan, pero paano? Iisa lang ang nakita kung kasagutan ang mag-asawa na rin ako! Tama kelangan ko na ring mag-asawa para tuluyan ng lisanin ko ang bahay na ito.

Nuong panahon yun hindi ko na naisip kong tama o mali ang aking desisyon. Ang mahalaga sa akin ay ang makaganti sa ginawa ng aking ina at ang tuluyan ng pag rerebelde! Ang iparamdam sa aking ina na labis akong nasaktan sa mga ginawa nya.

Wala ngang nagawa ang Mama ko ng halos dalawang buwan lamang mula ng kami ay mag-on ay nagpakasal ako kay Herbert. Bakit si Herbert? Inaamin ko na malapit nga ang loob ko kay Herbert pero hindi ako sigurado na may pagmamahal na akong nararamdaman sa kanya. Basta ang sigurado ako maykaya at prominente ang pamilya nila Herbert sa Cebu at doon ko nais manirahan upang mapalayo na ng tuluyan sa aking ina at sa asawa nito. Besides matututonan ko rin siyang mahalin kasi mabait siya, resposable at higit sa lahat masarap kausap!

Hindi naman ako nagsisi sa pagpapakasal ko kay Herbert sa halos limang taon naming pagsasama ay naging mabuti siyang asawa at ama ng aming naging anak..

"Trixie! My darling baby, I really miss you!" naputol ang nanumbalik kong alaala nang napansin kong nasa malawak na salas na pala ako at sinasalubong na ng aking ina.

"I'm fine Ma, Miss you too" kaswal kong tugon sa aking ina sabay yakap at halik

"Ikaw talaga bakit kasi hindi ka pa nagpasundo sa airport, napagod kaba sa biahe" malambing na tanong ni Mama sa akin

"Ma it's ok, I can handle myself na. I'm not Trixie that you have known five years ago. Malaki na ako and I think I'm matured enough" medyo nagparamdam ako ng pakairita sa ginagawang pagbebeybi sa akin ng aking ina.

"Well, I'm sorry darling, nag-alala lang talaga ako sa iyo" malumanay na tugon ng aking ina at giniyahan na ako patungo sa aming salas.

Nadatnan ko doon si Atty. Cruz, ang abogado ng pamilya namin at si Julio! Matamang bumati ang dalawa sa akin na tinugunan ko naman. Bigla akong nairita at nakaramdam ng inis ng makita kung muli si Julio.

"So Ma what's up? What is that really very very important matters na sinasabi mo at kinailangan ko pang pumunta dito?" tila pinagmamadali ko na ang aking ina dahil ayaw ko nang magtagal pa ang aming pag-uusapan.

"Well iha, kya nga andito si Atty. Cruz para magpaliwanag sa ating lahat" nakangiting tugon ng aking ina

Nagsimula na ngang magpaliwanag si Atty Cruz, ang topic? Ang kayamanan at mga ari-arian ng aming pamilya. Since namatay na nga ang Papa, kami na nga ni Mama ang may karapatan sa mga ari-arian, etcetera, etcetera! “Hay naku ang hindi lang nila alam matagal ko nang naisangguni ang karapatan ko sa ibang abogado, more or less alam ko na ang para sa akin. Ang hindi ko lang alam ay kung ano nman ang para kay Julio bilang legal na asawa ni Mama ngayon!” Naiisip ko habang patay malisya akong nakikinig sa aming abogado.

“Siguro naman ay malinaw na ang lahat? Any questions?” tanong ni Attorney matapos ipaliwanag ang sitwasyon at karapatan naming mag-ina sa lahat ng ari-arian at kayamanan na naiwan ni Papa.

“Lastly let’s take up the last documents, bagamat masyado pang maaga ang paggawa ng ganitong testamento ay ginawa na rin natin upang pagbigyan ang hiling ni Mrs. Perez vda. de Legaspi, her Last Will and Testament” paliwanag pa ni Attorney.

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Binasa nya yun ng malakas at malinaw sa aming lahat. Nakasaad don na kung sakaling mamatay siya (Mama) ay mapupunta sa akin ang lahat ng ari-arian at kayamanan ng pamilya namin at ang mapupunta lang kay Julio ay kung ano lang ang naipundar nilang mag-asawa mula ng sila ay magpakasal!

Halos hindi ako makapaniwala! Tiningnan ko ang tatlong kaharap ko, lahat sila ay nakangiti at tila labis ang pagsang-ayon sa mga naging desisyon at pangyayari.
For the first time I feel guilty. Nahihiya ako sa aking ina, sa kabila ng lahat ng pagmamatigas ko at hindi pagsuko sa kanya ay patuloy pa rin siyang nagmamahal at sumusubaybay sa akin. Nahihiya rin ako kay Tito Julio (tito na ngayon ha!) dahil hinusgahan ko agad ang pagkatao nya. Higit sa lahat nagagalit ako sa aking sarili dahil sa masamang ugali at asal na aking pinakita sa aking magulang at tito sa loob ng halos limang taon.

Well the damage is done, so there's nothing you can do. All I have to do is to make some make-ups for everything I did wrong. Sinong uunahin ko? Syempre si Mama, siguro naman ay hindi pa huli ang lahat upang mapunuan ang mga pagkukulang ko sa kanya at si Tito Julio, siguro naman ay marami pang panahon upang iparamdam ko sa kanya na siya ay akin ng tinatanggap bilang kapamilya!

"So that's it! Let's celebrate!" basag ni Mama sa katahimikan matapos ang detalyadong pagpapaliwanag ni Atty. Cruz.

Agad kong nilapitan si Mama, niyakap at hinalikan “Sorry Ma, I thought...”

Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nakasagot na agad ang aking ina

“It’s okay iha, for all those years na nawala ka, hindi pa rin nagbabago ang pang-unawa at pagmamahal ko sa iyo. Kalimutan na natin ang lahat and let’s start again, ok?” nakangiting ...
Next part ►


This page:




Help/FAQ | Terms | Imprint
Home People Pictures Videos Sites Blogs Chat
Top
.