peperonity.net
Welcome, guest. You are not logged in.
Log in or join for free!
 
Stay logged in
Forgot login details?

Login
Stay logged in

For free!
Get started!

Text page


image - Animated Comics/Fantasy/Anime
tsikahanpinoy.peperonity.net

★★ANG NUNAL★★

Mayroon ba kayong mga nunal?

Marami sa mga ito ang hindi nasisiyahan sa maliit na markang ito ng katawa. . . .subalit ito ay binabayaan na nila sapagka't noong unang panahon ang paniniwala sa nunal ay mahalaga.Kung ano ang kahulugan ng mga nunal,ay nababatay sa mga lugar na kanilang kinalalagyan sa ano mang bahagi ng katawan.Ang mga sumusunod marahil ay magbibigay ng katuturan sa inyong mga nunal....

SA MATANG KANAN- kayo ay yayaman at maligayang pag-aasawa ang sasapitin.

KALIWANG MATA- kayo ay totoong mapagmahal at sa ganoong pangyayari ay magtatamo ng kaligayahan sa pag-aasawa.

NOO- kayo ay magiliwin sa balana kaya't maraming kaibigan at mapapabuti sa pag-aasawa.

ILONG- kayo ay magtatagumpay sa pangangalakal.

PISNGI- kayo ay magiging maligaya sa buhay hindi dahil sa yaman at kabantugan.

BABA- kayo ay mapalad sa mga pagpili ng kaibigan at lalo na ng mapapangasawa.

TAINGA- kayo ay taong tahimik at nasisiyahan sa lahat ng bagay.

BATOK- ang mga mayroon dito ay mapagmataas,pangahas at may mga mataas na mga kalooban.Magdaranas ng kahirapan at may kahirapan sa pag-aasawa.

LIKOD- an mga ito ay may malamig at kiming kalooban karaniwan ay mga tamad at may kaduwagan.

BAYWANG- ito ay mapupusok ang kalooban at may maiinit na dugo.Malapit sa mga gulo at sakuna.

DIBDIB- ang may taglay nito karaniwan ay makamundo.Salawahan sa pag-ibig at palaaway.Magaslaw ang pamumuhay at hindi tapat makisama.

PALAD- karaniwan ay masisinop at masikap sa buhay.Mga masisipag at malamang ay magkaroon sa buhay.

BRASO- papasanin ninyo ang mga kahirapan nguni't magiging maligaya.

KAMAY- kayo ay marunong at mapapakibagayan ang lahat sa buhay.

PAA- ang mga ito ay palalakad at hindi nasisiyahan kundi gumagalaw.

BIBIG O LABI- kayo ay mabuting magsasalita at pakikinabangan ito lalo na sa pangangalakal.


This page:




Help/FAQ | Terms | Imprint
Home People Pictures Videos Sites Blogs Chat
Top
.